Nakatutok ang buffet ng Sambokojin sa Japanese cuisine kaya para sa mga mahilig sa sushi, sashimi, tempura at mga hot pot, ito ang pinaka sulit na buffet restaurant para sa inyo. Pagdating sa mga eat all you can na kainan, isa sa mga una dapat nating isipin ay kung paano natin masusulit ang binayad natin. Pumapatak na halos P1,000.00 per head ang rates lalo na sa mga ganitong mamahaling restaurant kaya mahalagang maligayahan at maging sulit ang pagkain natin.
Sa Sambokojin, halos lahat ng ng pagkain ay sulit. Dahil Japanese cuisine, karamihan sa mga putahe nila ay seafood at baka, alam naman natin na mahal ang mga karneng ito lalo na ang mga sashimi at sirloin. At pangalawa, magaan ang seafood kaya hindi ka agad mabubusog, mas magkakaroon ka pa ng espasyo para matitikman ang ibang mga putahe. read more