Bad hair day = bad day, period. Kung si Thor merong pang-hampas (PANG-HAMPAS TALAGA HAHAHA), si Spider-Man may web, at si Darna e may bato, at ako naman ay #MayForever CHOZ, ang babae ay may Hair Power!
Iba talaga ang magic ng buhok teh! Kahit hindi ka kagandahan basta maayos ang pagkaka-style ng hair mo, sobrang ganda mo na rin girl! (BASTA TATALIKOD KA LANG CHAR)
May bonggang rampahan akong kailangang puntahan at bilang hindi naman ako kagandahan talaga (nagmamaganda lang), sumugod ako at BLO Serendra para magpa-ayos ng hair!
It was actually my first time at feeling ko ang yaman ko for a day! Hahaha! Ang luwag ng space, comfy ang chairs at sobrang approachable ng staff! Nakakaganda yung parang may buffet ka ng buhok na pagpipilian eh. Pwedeng kunware wala kang pinagawang natural look peg, yung parang may bunot ka sa ulo (bun kasi talaga yan hahaha), o sexy curls! Buti pa curls, sexy!
Pinili ko yung updo para kagalang-galang naman ako. In less than an hour, tapos na agad siya! Great service at kaya nilang gawin yung style na gusto mo talaga. Ang wish ko lang sana magkaron din ng makeup service para kapag may aura, buong makeover na yung ganap mo dito! Pero solved naman yung hair ko kung buhok lang ang usapan. Mas maganda pa siya kesa sa mukha ko! Kaloka! Hahaha!
Price is at P500 pero if may specific na style kang gusto, pwedeng abutin ng P950 (bring a picture kung ayaw mong maghulaan kayo doon hahaha) and pwede rin magpakabit ng clip-in extensions + blo out for 1K! Pak! read more