Para sa mga nagpapagawa ng bahay, gusali o anupamang may kinalaman sa construction, Wilcon ang pinaka maaasahang one-stop warehouse ng mga kailangan niyo. Marami na akong Home Depot na napuntahan sa buong Metro Manila at napuna ko na Wilcon ang mag pinaka kumpletong materyales pagdating sa mga tiles, dingding, at plumbing. Hindi karamihan ang mga furnitures at palamuti nila sa bahay pero kadalasan ay may isa o dalawa ka ditong matitipuhan.
Syempre, mas mura pa rin sa mga maliliit at walang aircon na hardware at warehouse pero kung ayaw mo nang mahirapan at maistress sa pamimili, lalo na tiyak na magpapabalik-balik ka sa mga binilhan mo, praktikal na rin na tumuloy sa Wilcon. Hindi rin naman sobrang layo ang deperensiya sa mga presyo ng bilihin. Mayroon pa ditong mga empleyado na mag-aassist sayo at matutulungan ka sa mga kailangan mo, lalo na kung wala ka masyadong alam sa construction.
Isa pa sa gusto ko sa Wilcon ay mayroon sila ditong satellite cafe na nagbebenta ng masasarap na cake, pasta at crocodile meat! Tuwing nandito kami ng nanay ko, doon ako lagi nakatambay. Subukan niyong orderin ang crocodile tapa nila, worth it ito, masarap! read more