Para sa mga kumakain ng baboy at mahilig sa Lechon, kilalang kilala niyo na siguro ang pangalang Lydia's Lechon. Kung dati ay mga lechon baboy lang ang tinda nila, ngayon ay nagkalat na sa buong Metro Manila ang Lydia's Lechon Restaurant.
Isa sa mga pinaka maganda at nasubukan kong branch nila ay sa Marcos Highway. Malaki, may magandang lokasyon, malinis at mukhang bago ang restaurant dito kaya talagang maaakit ang sinuman na dadaan para kumain. Karinderyang turo-turo na may air-con, magagandang ilaw, mesa't upuan ang istilo ng kainan. Bukod sa Lechon ay mayroon din silang Kaldereta, Lechon Paksiw, Laing, Sisig, Kare-Kare at iba pang Filipino dishes.
Hindi na kailangan pagtakhan pa kung masasarap ang mga pagkain dito dahil hindi naman dadami ang branches nila kung hindi. Mula sa hitsura hanggang sa lasa, masarap at may signature ang mga putahe sa Lydia's, kuhang kuha ng timpla ang panlasa ng Pilipino.
May kamahalan nga lang ng kaunti kung ikukumpara sa ordinaryong karinderya na nagtitinda rin ng parehong mga ulam dahil nasa P150.00 hanggang P235.00 ang halaga ng isang platito ng ulam sa Lydia's. read more