Ito ang magiging bagong pasyalan at puntahan para sa mga bago at masasarap na kainan sa Libis. Gawa ng Ortigas and Company, isa ito sa mga atraksyon ng bagong tayong condominium residential na Circulo Verde. Sa ngayon ay under construction pa ang Industria at iba pang tower sa Circulo, pero makikita na ilang buwan na lang ay matatapos at mapupuno ng mga establisimyento ang Industria.
Sa ngayon ay mayroon ng bukas na bakeshop dito (The Boy Who Bakes) at isang magbubukas pa lang na Indian restaurant. Nasasabik ako sa tuwing napapadaan dito kung ano naman kayang mga bagong puntahan at tambayan ang dapat abangan. Malapit ang hitsura nito sa UP Town Center na parang isang mall extension ng mga restaurants (mukhang mas maganda pa nga dito). Anim o limang buwan na lang siguro ang bibilangin at magbubukas na ang Industria. Kaya para sa mga mahilig mag food trip at sumilip ng mga bagong mapupuntahan, abangan niyo ito! read more