If you want a place na super comfy ang kama, malinis yung room, at maayos lahat, then go ka na sa kwarto ko! Choz lang! Hahaha! Go to Hotel Mango baby! Well-trained ang staff at i-aassist ka talaga kung may katanungan ka sa buhay gaya ng "Ano bang mali sa akin? Bakit niya ako pinagpalit?" CHAR LANG.
Sabi nila wala raw perfect sa mundo, maliban lang sa ganda ko. Choz ulit! Hahaha! Yung kailangan lang sigurong iimprove at Hotel Mango eh yung food service nila. Unti lang yung choices tapos kadalasang "Hindi po available" yung sagot sa gutom ko. Muntik ko nang makain yung telepono teh dahil walang ibang choice. SIGE NGA TRY MO BAKA MAG-RING LALAMUNAN MO HAHAHA
Pero sobrang winner ng overall experience ko naman dito! AS IN! Sobrang sulit yung bayad mo mars! For as low as P550, pwede ka nang makaidlip. Idlip lang kasi good for 3 hours lang yan ate girl, bayad ka raw mas malaki kung gusto mong tulog-laway combo maexperience mo! Usually malaswa yung "3 hours" na datingan sa hotel pero hindi siya gaya ng iniisip mo ate. Hahaha. May family rooms din dito at wholesome naman yung rooms! Nung nagpunta ako, meron pang mga bagets na naghahabulan (defensive sa "wholesome"). Deluxe, Vanitas, Family and Suite Rooms yung pwedeng i-avail! Minimum yung 3 hours pero pwede rin longer hours, kahit isang taon ka diyan ate basta may puhunan!
Yung food pala, pwede rin namang magpadeliver kaya hindi ka pa rin magugutom! Hindi ka kakain ng telepono! CHOZ. Sobrang winner dito!!!
P.S. Pwede rin daw mag-karaoke party dito kahit hindi ko pa nasubukan. Hahaha. Mailaban lang na wholesome nga dito girl! Choz forever read more