We usually have our "Taste for the day" yung tipong "Gusto ko ng sosyal. Let's go French today!", yung kakasweldo lang na "Tara, lafang sa buffet!", or yung nag-aagaw buhay ang wallet dahil wala pang a-kinse "O pares muna tayo sa kanto." pwede rin sa pang-date "O milk tea tayo." PAG DATE TALAGA KELANGAN PA-CUTE LANG EH HAHAHA
My "Taste for the day" hindi lang for a day eh, ito yung willing akong puntahan everyday! Kahit ano pang mood ko, safe na safe akong dalhin at Cafe Lidia baby! (Maka-feeling naman akong may magdadala sa akin diyan!) Marami akong hindi kinakain talaga at sabi nga nila "Namimiss mo kalahati ng buhay mo." Pero yung unting bagay na kinakain ko lang e nasa Cafe Lidia naman at feeling ko hindi ko namimiss yung buhay ko dito! Cafe Lidia completes me. Choz
Appetizers like Nachos and Buffalo Wings, Sandwiches, All Day Breakfast (kapag gabi ka nagigising why not), Pasta, Pizza (thin crust! I love their pizza kasi simple lang yung ingredients pero masarap siya!), Entree (favorite ko yung Grilled Pork Belly! I always order that! Malambot siya kahit walang knife! Sing-lambot ng puso ko! Charos!), and Desserts! (Panalo yung Swiss Choco Cappuccino though maliit yung slice niya pero isa rin sa mga paborito ko!)
One of the things na winner at Cafe Lidia is their space. Hindi ka mauubusan ng upuan! Meron din silang second floor for different functions (pa-party ka sa weeksary niyo ni lover boy! Mahirap ang forever kaya weeks pa lang dapat sine-celebrate na girl!) Safe rin ang parking at may bantay sila kaya may peace of mind ka while eating!
Maraming choices, GREAT service at okay ang taste at quality ng food! LOVE NA LOVE!!!! read more