Kung may gusto kayong ipa-print sa t-shirt o kahit mga pattern sa tela (sublimation printing), isa ang Sunflare Horizon sa mga pwede niyong puntahan. P50.00 per square feet ang textile print, colored man o black and white. Maganda ang quality at mabilis ang printing procedure dito, kaya mabilis mo rin makukuha ang ipinagawa. Marami akong kilalang fashion students at designers na dito nagpapagawa ng mga dinisenyong textile print nila.
Mahirap nga lang hanapin at puntahan ang Sunflare sa umpisa dahil isang maliit na opisina lang ito sa loob ng Prince Arcade building sa Ortigas Extension. Simple at hindi rin magarbo ang tanggapan nila--opisinang may kompyuter, mesa at silya lang para sa mga kliyente. Kahit na isang printing shop sila ay wala silang mga naglalakahing signage at advertisment na nagpapakilala sa tao. Kadalasan ay mga nasa sirkulo lang ng may alam sa textile ang nakakaalam sa kanila. Kung sakaling mahirapan kayong hanapin ang Sunflare Horizon, madali namang magtanong sa mga tao o security guard na makikita sa Prince Arcade building. read more