Grocery shopping = family bonding! Around 2 hours kami abutin ng pamilya ko whenever we do our grocery shopping, diba may prusisyon lang kami sa supermarket? Choz. Maraming pwedeng bilhan around our area pero lumulusob talaga kami at Shopwise in Libis para mamili. Why oh why?
1. It's complete! Meron din silang appliances, baby section, home & living area? (hindi raw ako sure! Kaloka! Hahaha! Basta yung meron mga furnitures, bed sheets, pillows, etc.) Usually may discount sila dito and I got my duvet from 2K, P900 na lang siya ate girl! SOSYAL KO RAW SA DUVET. KUMOT NA LANG TEH, KUMOT. Plus, uso rin dito yung tingi ng mga pillow cases pati bed sheets tapos per kilo yung presyuhan? PARANG ISDA LANG EH. "1 kilo nga ng punda beh! Paki alis na yung bituka ha."
2. Fresh yung meat! Trivia about me (review talaga ng buhay ko to eh hahaha): I rarely cook. Pero tuwang-tuwa ako sa wet section ng supermarket kasi nakakaloka yung iba't ibang cuts ng pork, beef, kahit chicken! Tapos ang pupula at yung laman nila sarap kurutin! Lalo yung giniling? Sarap higaan! Hahaha! ANYWAY, si Mama talaga yung nagluluto sa amin and she always say na kung hindi siya sa Shopwise makakabili ng meat, sa palengke na lang siya. (may attitude rin nanay ko minsan ano) Hindi mo siya mapapabili sa ibang supermarket talaga pagdating sa karne! Iba raw yung sa Shopwise kasi fresh talaga (and I believe her bilang siya ang pinakamasarap magluto sa lahat ng nanay na nakilala ko! STAGE DAUGHTER EH HAHAHA)
3. May bilihan ng damit, swimwear, slippers, pati panty at bra! Pagpasok ng Shopwise, dito ako unang pumupunta tapos dedekwat ako ng ilang pirasong damit at isisingit ko sa cart namin. Pag bayaran na sa cashier, "Ma, upo ka na muna doon ako na bahala dito." SABAY ABOT NG DAMIT SA CASHIER HAHAHA #Para-paraan
4. Promos! They have promos maya't maya na I think normal naman sa mga supermarkets. I suggest you get yung Shopwise Wise Card for Loyalty Points tapos x10 yung points mo when you shop during Wednesdays! (or 1st Wednesday lang ata ng month? We usually go ng 1st Wednesday kasi para sure!)
I believe (Pang-Miss U yung ending ko wag ka girl) na grocery shopping should be fun at mas masaya kung sama-sama pa kayo mamili ng family! Yeyyy! Having Shopwise around, I always look forward sa next grocery time namin (para makadekwat ulit ako ng damit yun talaga eh hahaha).
P.S. Minsan diba kailangan ng price sa cashier kaya kailangang bumalik kung saan kinuha yung product? Pero don't worry kasi merong mga kuyang naka-Rollerblades na mag-aassist para sayo! Kaloka diba mas mabilis nga naman kung may gulong! Try rin namin ng pamilya ko yan para next time 10 minutes lang at hindi na 2 hours kaming maglilibot sa grocery! Char! read more