Minsan pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa trabaho o talagang stressful na linggo, masarap mag relax at mag chill sandali pagkalabas mo sa opisina sa isang bar o kainan na may masarap na pagkain, malamig na beer at live acoustic band. Kung tipo po ng pagpapahinga ang mga sinabi ko, magugustuhan mo ang Jet 7 Bistro sa Tomas Morato.
Pinupuntahan ang lugar na ito tuwing gabi dahil sa intimate at cozy nitong ambiance. Maganda itong puntahan ng magkakasintahan, magkakaopisina o magkakaibigan. May kamahalan din ang mga pagkain dito kumpara sa iba kaya kung nasa P1,000-P1,500.00 ang budget niyo ay hindi kayo mabibitin sa pag-order dito. Pagdating sa pagkain ay kaaya-aya at pang mamahalin ang food presentation pero sa lasa ay hindi ako masyadong napahanga nito, kung tutuusin ay namamahalan ako para sa kaldid dahil nalalasahan ko ang mga preservatives na gamit dito. read more